Wala Ng Hamunan: Anong Paksa, Kelan, At Saan?

Matagal na po iyan ngunit hanggang ngayon ay walang debateng nagaganap sa kabila ng naghihintay lamang ang ATSI kay Eli Soriano para pag-usapan ang paksa, oras, at sistema ng debate.

1051 3
Wala ng hamunan anong paksa kelan at saan

ATTENTION: ADD MEMBERS (Members Church of God International)

Ilang beses na rin kasi kaming nakakaatanggap ng mga pagmamayabang ng mga tagahanga ni Eli Soriano na harapin daw ang kanilang puno sa kanilang pasalamatan.

At ilang beses na rin nating sinasabi na “Oo, tinatanggap namin ang debate sa pagitan ng SDA at MCGI”.

Ngunit ang tanong ay bakit sa inyong pasalamatan o inyong programa? Bakit hindi sa neutral na lugar o online?

(Read: Ang Dating Daan Naduwag Na Naman Sa ATSI: ADD Local ng Quiapo)

Matagal na po iyang kunwari ay lalaban ngunit hanggang ngayon ay walang debateng nagaganap sa kabila ng naghihintay lamang ang ATSI kay Eli Soriano para pag-usapan ang paksa, oras, at sistema ng debate. Wala nang hamunan.

Kaya minarapat kong ilahad ang 3 bagay na dapat pagkasunduan para sa mabilis na katuparan ng debate.

(Read: Sige, sabihin mo payag kami at sana matuloy na)

Please read the following conditions para hindi na kayo paulit-ulit na utusan pa akong pumunta sa Coordinating Center niyo which for me is unethical.

PRE-DEBATE CONFERENCE IN A NEUTRAL PLACE

  • Huwag akong uutusan ng mga ADD na pumunta sa Coordinating Center nila upang maghamon. Unethical yan. Hindi tayo mga bata. Papayag ba kayo, mga miembro ni Soriano, na papupuntahin nyo si Eli Soriano sa aming programa at doon sya maghamon? Kung kayang gawin iyan ni Eli Soriano ay umpisahan na nya at tiyak hindi sya mabibigo.
  • Kung seryoso talaga kayong magkaharap kami ni Soriano ay pwede nyo namang i-arrange yan ng hindi na ako pupunta sa programa nyo. At yan ang sa tingin ko na nararapat nyong gawin kung talagang seryoso kayo na matuloy ang debate. Marami kayong mga manggagawa ni Soriano dito sa Pilipinas. Bakit hindi tayo mag-meet sa isang neutral na lugar para sa pre-debate. Kung gusto nyong si Soriano mismo ang makausap sa pre-debate ay pwede rin through Internet.
  • Wala nang mga hamunan at paligoy-ligoy pa. Pre-debate agad. Anong paksa? kelan? rules of debate?

DEBATE VENUE SHOULD BE NEUTRAL

  • Ugali na ni Eli Soriano na palaging ang debate ay sa teritoryo niya dahil doon siya humuhugot ng lakas ng loob pero kapag wala siya sa teritoryo niya doon siya mahina.
  • Kung talagang magaling si Soriano dapat pumayag siya sa isang neutral place at setting, hindi sa pagtitipon nila.

ONE-ONE-ONE DEBATE ONLY FOR EACH TABLE

  • Dapat tig-isang upuan sa isang mesa bawat isa. Bawal ang may alalay o tagabasa. Diyan natin makikita ang galing ni Eli Soriano. Humuhugot sya ng lakas ng loob sa mga dikta ng alalay niya kaya subukan natin talaga kung kaya niyang makipag debate ng mag-isa.

Ang mga nabanggit sa itaas ang siyang tanging kahilingan at tugon ko doon sa mga members ng ADD na gustong magharap kami ni Eli Soriano sa isang maginoong debate.

Ang mga iyan sa tingin ko ay makatuwiran lamang.

Kung ayaw nya akong makaharap ay marami sa team ng ATSI ang pwedeng humarap sa kanya. Mag message lamang kayo dito sa post na ito o sa aking Facebook account o sa email ko. Gaya ng dati ay naghihintay lamang ako.

In this article

Join the Conversation

3 comments

  1. Giovanni Reply

    Hoping to see this debate.

  2. XADD Reply

    Palusot po talaga at ubod sa yabang ya’ng si Mr. Jeli Soriamonyo alyas Inkong bastos dahil gusto pa pinakamataas na pinuno ang kaharap eh samantalang pwede naman magkapaliwanagan ayon sa mababasa sa mga talata sa biblia.
    Hindi po talaga lalaban sa patas yan dahil unfair po talaga at sinungaling s’ya. Sigurado po kasi talo ‘sya. Yu’ng sinabi n’ya na sabihin sa kanya kapag may nakitang mas maliwanag na relihiyon at sasama s’ya eh pakagat lang po.
    Kawawang mga miyembro na ibinigay ang buong tiwala sa artistang matanda na yan.

  3. XADD Reply

    Wish ko po yang setup na yan pero hindi na po talaga mangyayari yan dahil bluff lang at pagyayabang lang ni Inkong yan sa kanyang mga miembro na wala siyang uurungan. Nakilala ko na po ng personal ang katotohan sa maraming pagpapanggap nyan kagaya ng claim nyan na bilang pantas kuno na nasa biblia na nakapagligtas sa kasakunaan ng isang bayan. Pinakakahulugan o ini-insinuate po nya na sya rin naman daw ay nagiging tagapagligtas ngayon dahil sa kanyang karunungan o nalalaman sa biblia.
    Mismong miembro po nya ginagamitan ng katusuan at kadayaan sa pagsagot. Kapag nagtatanong ang miembro na marunong sumagot ay hindi na nya bibigyan pagkakataon makasagot muli sa kanya ang nagtatanong na miembro ukol sa paliwanag nya dahil kontrolado nya at kasabwat ang mga staff sa panloloko ng mga walang malay na miembro na masyadong tiwala sa kanya.
    Wala rin po kwenta kadebate yan base sa mga napanood ko kasi kung saan-saan kinakaladkad ang debate kagaya ng kung ang paksa ay “Kailangan pa ba Sundin ang Sampung Utos sa Bagong Tipan?”, igigiit po nyan at palalabasin na, “Sampung Utos Lang ang Dapat Tuparin Ayon sa SDA” ang paksa kaya ang daming sayang na oras dahil kailangan sagutin yung hindi naman talaga sinabi o iginiit ng SDA.
    Sadya na po talaga ang maraming pagpilipit nya sa mga talata sa biblia para protektahan ang negosyo nila kagaya ng babuyan at mga restaurant na may menu ng baboy at kapag pumayag po siya na dapat ipangilin ang Sabbath ay bawas po yan sa araw ng negosyo nila. Samakatuwid ay big time scammer na po talaga siya gamit ang relihiyon dahil alam na po nya ang tama ayon sa biblia pero itinatago at hinahadlangan ang katotohanan.
    Artista po yan dahil may mga pagiyak-iyak pa yan sa mga pagkatipon at sa mga mass indoctrination nila. Maginoo ang dating niya sa TV kaya marami ang nahuhulog sa kanya.