History

History

Ang programang “ANG TINIG SA ILANG” ay nagsimula noong October 11, 1998 sa pangunguna ng masisipag sa gawaing mga layman na binubuo nina Bro. Johnson L. Amican, Jerry Sevilla at Bro. Nilo Escolano.

Paano nabuo ang palatuntunang ito?

Taong 1995 ng si Bro. Johnson Amican ay nagpasimula sa radio ministry bilang Personal Assistant ni Ka Menong sa pang umagang programa 6:00-7:00 sabado sa DWAD. Nang sumunod na taon ay naging kasama narin sa nasabing programa si Bro. Richard Thompson at ganon din si Bro. Demcel Aguirre ng Pasay SDA Church. Taong 1997 ng anyayahan ni Bro. Demcel si Bro. Jerry Sevilla sa programang iyon kasama ang kanyang kaibigan. Mula noon ay naging palagiang kasama na si Bro. Jerry sa nasabing programa, at dahil sa masyado na sila marami sa palatuntunang iyon ay naisipan ni Bro. Johnson Amican na magkaroon ng sariling programa, hinimok nya si Bro. Jerry na makiisa sa panukalang ito na siya namang ikinatuwa nito, napagkasunduan nila na para hindi maging mabigat ang kanilang pangangailangan ay maghanap pa sila ng isa pa na may puso din sa gawain.

Dumating ang panahon na naisama si Bro. Nilo Escolano na siyang nagbigay ng idea sa pamagat ng nasabing programa, sa pasimula ay nagtulong sila sa paghahanap ng mga kapatid na nais tumulong sa gawaing ito, marami ang tumugon at karamihan sa kanila ay mga kaibigan ni Bro. Johnson at Bro. Jerry na sa halagang 100 peso bawat isang tao sa loob ng isang buwan ay napasimulan nila ito.

Sa mababang halaga at tulong mula sa mga tapat na kapatid ay naipagpatuloy ang progaramang ito na noon ay isang oras lamang mula 2:00-3:00 ng hapon hangang sa naging kilala at laganap ito na umakay nang maraming kaluluwa sa paanan ng ating Panginoon. Ang isa sa mabungang pamamaraan ng ANG TINIG SA ILANG ay ang pagdadalaw sa bahay mismo ng mga taga pakinig para sa mas mahabang oras na pag aaral ng Salita ng Dios. Ito ang umakay sa ibang mga kapatid upang sumuporta sa gawaing ito. Ang EBS FOOD sa pangunguna ni Bro. Eugine Sasing at Jerson Monteseben ay matagal na naging bahagi ng programa. Hindi nagtagal nawala si Bro. Nilo pumalit si Bro. Rick Lustre na hindi rin nagtagal sa grupo hanggang nakasama narin sa programa si Bro. Wency Matienzo na hangang ngayon ay kabahagi pa rin sa palatuntunang ito.

Dahil sa magandang takbo ng palatuntunan ay may nag magandang loob upang magkaroon pa ng isa pang oras na programa sa ibang himpilan sa DWBL sa ganap na 4:00-5:00 sa araw ding yaon, ang mga sumuporta ay ang mga kapatid na nasa Germany sa pamamagitan naman ng kapatid na Bayani Aguirre na siyang humimok upang tumulong sa gawain. Nang mawala ang programa nila Bro. Richard Thompson ay naging palagian na rin siyang kasama sa ATSI (ANG TINIG SA ILANG).

Nang dumating si Bro. Ronald Obidos mula sa DUBAI ay kaagad na naging kasama siya sa grupo noong taong 2003. Nagpasimula ang pagsubok sa ATSI ng umuwi ang mga kapatid mula Germany at sabihing mawawala na ang kanilang suporta kaya napilitan ang grupo na iwanan programa sa DWBL. Ilang taon din ang nakaraan ng magkaroon ng bakanting slot sa DWAD, kaya sa pangunguna at sa effort ni Bro. Johnson ay napag pasiyahan na kunin ito upang lalo pang mapabilis ang pagpapalaganap ng Salita ng Dios sa larangan ng Radyo. At purihin ang Panginoon sapagkat hindi lamang sa marami ang tumugon sa pangangaral kundi marami din ang nanumbalik sa pananampalataya bunga ng pakikinig sa ATSI, nandyan din ang mga kapatid galing sa pananampalatayang (INC) IGLESIA NI CRISTO at ADD, BORN AGAIN, PMCC atbp.

Maraming pagsubok ang dinaanan ng ANG TINIG SA ILANG. lalo na nang mawala ang EBS FOOD na siyang pangunahing sponsor ng nasabing programa. Subalit patuloy na iginapang ito ng grupo, na kahit hanggang ngayon ay wala pa ring regular na sponsor ay hindi parin pinababayaan ng Panginoon ang kanyang gawain. Sa ngayon ang paanyaya mula sa ilang Iglesia sa gitnang Luzon ang bumubuhay sa ATSI at sa ilang sponsor na nagpatuloy tulad ng (CVI) COUNTRY VG FOODS INC.

Sa ngayon ay napakaraming nais na magpadalaw sa kanilang tahanan para sa personal Bible study, subalit dahil sa kakulangan ng pananalapi ay hindi po natin ito natutugunan lahat ng mabilisan, sa ngayon si Bro. Johnson at Bro. Ronald ay may mahabang panahon para sa gawaing ito. Ginagamit narin natin ang teknolohiya para sa gawain ito.

Kaya kami po ay patuloy na umaasa sa Panginoon na sana ay patuloy Nyang ingatan ang aming kalusugan at kaligtasan mula sa mga banta ng kaaway sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang pangkatin ng relihiyon na matatag na nasasagot ng grupo ng ATSI ang kanilang mga kamaliang aral. Ito ay isang katotohanan na hindi dapat itago kaya sana po ay patuloy nyong idalangin at suportahan ang ministeryong ito.

3 comments on “History

  1. Fordyce Banaag on

    Una sa lahat ay purihin ang Dios sa pagtugon ninyo sa ganitong uring gawain na patuloy na ma pa laganap ang salita ng Dios sa ating mga kababayan at mahayag ang tunay na relehion at bayan ng Dios na nag hihintay sa pag babalik ng ating panginoong Jesus. Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit ngayon lang ito nakarating ang sa akin gawain ninyo. Maraming nag pupunta na mga pastor at mangagawa dito pero parang walang nag po promote ng inyong gawain dito sa america. Kahapon lang may nag sabi sa akin ng inyong gawain kaya ngayong mag hapon ay wala ako ginawa kundi ang manood sa YouTube at akoy nakinabang ng husto. Kaming mag asawa ay tutulong sa inyong gawain financially and promote itong inyong gawain sa ating mga kapatid at mga mga kaibigan namin panoorin ito sa youtube o facebook. Pagpalain nawa kayong lubos and i will pray for all of you and our ministry.

    Reply
    • Johnson Amican on

      Purihin ang Dios kapatid. isang malaking kagalakan sa amin ang malaman na isa po kayo sa nakikinabang sa ating gawain. kami po ay nagsisikap na maipagpatuloy ito sa kabila ng mga pagsubok. malaking tulong po kung kayo ay magiging katuwang namin sa kapitulo bersikulo. ito po ang contact no. ko if ever na gusto nyo po ako makontak. 09182337881 at ang FB ko ay Johnson Llamas Amican. to God be the glory.

      Reply
    • Johnson Amican on

      Maraming salamat at purihin ang Dios kapatid na Fordyce Banaag, ang mga katulad nyo po ang aming pag-asa upang maipagpatuloy ang gawain ng Panginoon na nakasalalay lang sa gabay ng Dios at sa tulong ng mga katulad ninto. anuman ang inyong ipagkakalaoob maliit man o malaki sa mata ng Panginoon yan ay malaking bagay at tiyak na magaakay pa ng mas marmaing kaluluwa sa paanan ng ating Panginoon.

      napakarami na po nating naging bunga at sana ay marami pa ang mga kapatid na may pusong katulad nyo upang matuwangan po kami sa aming pangangailangang financial. sa totoo lang dalawa lang ang aming regular an sponsor kaya lakasan lang talaga ito ng loob. if ever na may gusto kayo ipaabot sa amin at kung kami ay hindi naka online ay dito nyo nalang po kami makontak sa no. na ito. 09182337881
      God bless po at purihin ang Panginoon sa kanyang patuloy na pagpapala sa bawat isa sa atin.

      Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *